Paroles de la chanson Dulo par The Juans

Chanson manquante pour "The Juans" ? Proposer les paroles
Proposer une correction des paroles de "Dulo"

Paroles de la chanson Dulo par The Juans

Nakatingin na naman sa kawalan
Tinatago ang tunay na nararamdaman
Hangggang kailan ko 'to kakayanin
Hanggang saan kita uunawain

Pa'no ipaglalaban ang pagmamahal
Kung sa pananatili ay nasasakal
Nahihirapan na ating mga damdamin
'Di malaman kung paano aaminin

Naubos na ang luha at mga salita
Siguro'y 'di sapat, aking pagmamahal

Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit balewala lang kaya paalam

Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo, ang dulo (Ito na ang dulo)

Bibitawan at palalayain ka
Kasama ang pangako't alaala
Ngunit hindi kita pipilitin
Hahayaan ko na lang ito'y iyong mapansin

Naubos na ang luha at mga salita
Siguro'y 'di sapat, aking pagmamahal

Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit balewala lang kaya paalam

Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo

Gusto mang kumapit, mahirap ipilit ang hindi para sa atin
Hihintayin ko na maramdaman mo, ito na ang dulo, ohh

Ito na ba ang hinihintay (Hinihintay)
Ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit balewala lang kaya paalam

Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo, ang dulo (Ito na ang dulo)

Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo

Paroles.net dispose d’un accord de licence de paroles de chansons avec la Société des Editeurs et Auteurs de Musique (SEAM)

Sélection des chansons du moment