Paroles de la chanson Kuya par The Juans

Chanson manquante pour "The Juans" ? Proposer les paroles
Proposer une correction des paroles de "Kuya"

Paroles de la chanson Kuya par The Juans

Kuya, ang hirap pala
Ako'y nasasaktan ngunit walang mapagsabihan
Kuya, nakikinig ka ba
Ako ay lumuluhang mag-isa

Kuya, alam mo ba kagabi
Ako'y nagwawala
'Di ko maalala kung bakit
Tandang-tanda ko pa
No'ng ikaw ay kasama pa
Una kang sumasaway sa akin

Pwede ba kahit saglit
Ako ay kausapin
Kahit na ikaw ay magalit
Ako'y makikinig

Kuya, ang hirap pala
Ako'y nasasaktan ngunit walang mapagsabihan
Kuya, nakikinig ka ba
Ako ay lumuluhang mag-isa

Kuya alam mo ba
Minsan ay natutulala
'Di ko na makaya ang pasanin
Lahat naman ay ginagawa
Ngunit parang 'di pa rin sapat
Ano bang mapapayo mo sa akin

Pwede ba kahit saglit
Ako ay kausapin
Kahit na ikaw ay magalit
Ako'y makikinig

Alam ko masaya ka na
Ako ba ay naiisip mo pa
At ngayo'y kailangan kita
Ako ay lumuluhang mag-isa
Ako ay lumuluhang mag-isa

Paroles.net dispose d’un accord de licence de paroles de chansons avec la Société des Editeurs et Auteurs de Musique (SEAM)